Pinay
pinatay ng bf sa UAE
MANILA, Philippines - Isa na namang Pinoy ang posibleng
mapatawan ng parusang bitay dahil sa brutal na pagpatay sa nobyang Pinay
na itinapon pa ang bangkay nito sa isang liblib na lugar sa United Arab
Emirates.
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, dinakip ng UAE Police ang isang 40-anyos na Pinoy driver na hindi muna pinangalanan matapos ang malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa Pinay at sa ilang buwang paghahanap sa suspect.
Sa unang pagsalang ng akusado sa Dubai Court of First Instance, hiniling sa korte ni Chief Prosecutor Youssef Foulaz na mapatawan ng pinakamabigat na parusa ang nasabing driver dahil sa premeditated murder.
Noong Marso 31 ay magkasama umano ang akusado at ang nobyang 40-anyos sa loob ng isang sasakyan at nagkaroon sila ng matinding pag-aaway dahil sa pera.
Sa mainitang pagtatalo ng mag-nobyo, sinabuyan umano ng babae ng buhangin sa mukha ang lalaki sanhi upang magalit ang huli. Dahil dito, mabilis na hinubad ng Pinoy ang sinturon na suot ng nobya at saka sinakal hanggang sa malagutan ng hininga habang nasa backseat ng kotse.
Matapos na mapatay ang Pinay ay dinala ng akusado ang bangkay nito sakay ng kotse patungo sa Al Tawar. Hinubad muna ang mga suot ng babae at tinanggal ang mga gamit nito para hindi makilala bago itinapon ng akusado ang bangkay sa isang ilang na lugar. Matapos ang pagpatay ay nagtago na ang suspect.
Lubha namang nahirapan ang Dubai Police sa pagtukoy kung sino ang may kinalaman sa pagkasawi ng Pinay hanggang sa magsagawa ng crackdown ang pulisya sa mga illegal alien na lumalabag sa ipinatutupad na ‘residency law’ ng UAE. Ang Pinoy at nobya ay pawang overstaying na sa UAE.
Nabatid na 421 katao ang dinakip hanggang sa makakuha ng lead ang UAE police nang isa sa mga naarestong babae ang nakakilala sa biktima mula sa ipinakitang larawan ng pulisya na naging daan upang matukoy ang mga kaibigan nito kabilang ang suspect, ayon naman sa report ng Khaleej Times.
Sa isinagawang interogasyon matapos na maaresto, inamin umano ng Pinoy na siya ang pumatay sa nobya at isinalaysay niya na nag-away sila hanggang sa sakalin niya ito ng waist belt na suot ng babae.
Sa ipinalabas na forensic report, nakitaan ng marka sa leeg ang Pinay at lumalabas na inatake siya ng sakal mula sa kanyang likod.

No comments:
Post a Comment