Custom Search

Tuesday, August 3, 2010

JOKES, BANAT AT EMO LANG PO, WALANG PERSONALAN.

JOKES, BANAT AT EMO LANG PO, WALANG PERSONALAN.

MINSAN, mas tama nang bumitaw kapag alam mong hindi ka pinapahalagahan.
Malay mo, sa pagbitaw mo… mahulog ka sa kuwarto at masalo nang hubad na tao?!



****


Mga pangalang hindi dapat gamitin:
Pablo Job, Jack Cole, Nadia Cole, Gina Cole, Pining Garcia, Ping Germoco, Rey Piñoco, Chino Pacia, Chino Paco Sia, Mally Vogue, BJ Acuña, Dick T. Gus, Lina Mutac, Keena Joth, Agusta Mood, Tina Moran, Patty Ramos Saquin


***
“Kailan kaya ako magkakaroon ng misis?” – MR. CHIPS
“Ako nga rin, eh!” – MR. CLEAN
“Bakit, kayo lang ba?” – MR. QUICKIE
“Teka, ako pa!” – MR. DONUT

***
EDDIE: Sana, hindi ko na isinama sa kabaong ni Sabel ‘yung cellphone niya nu’ng ilibing siya.
JAKE: Bakit?
EDDIE: Nag-text siya. Sabi, ‘Dito na me, sunod na u!’
***
Sa isang classroom, may dalawang batang nag-uusap…
BATA #1: Hoy! Akin na ‘yang pagkain mo!
BATA #2: Ang angas mo, ah?! Bakit?! Siga ka ba?!
BATA #1: Hindi… gutom lang!
***
Dear BULAG…
Pakihanap si Pipi para maisigaw kay Bingi na nanalo ang kapitbahay natin sa beauty contest ng mga maligno!
Nagmamahal…
WALANG PUSO
***
Dear WALANG PUSO…
Kailan mo ba ako mamahalin? Hindi ko makita si Pipi, pati itong sulat ko, sinipa pa ako ng pinsan mong Pilay!
Nagmamahal…
BULAG
***
Dear PIPI…
Huwag mo akong sigawan dahil sa kapitbahay ako natulog. Ang ingay-­ingay mo kagabi! Ang lakas mong magpatugtog!
Nagmamahal…
BINGI
***
Dear PILAY…
Bakit ka tumakbo nang ako ang manalo sa beauty contest? Dahil ba ako ang pinakamaganda? Bibigyan sana kita ng kiss!
Nagmamahal…
MALIGNO
***
Dear MALIGNO…
Ipinagkalat ni Pipi na hindi raw ako marunong magmaneho at lumangoy. Gusto mo, mag-boxing na lang tayo?!
Nagwawala…
WALANG KAMAY
***
Bagong kasal sina Edwin at Margarita.
Sa honeymoon, binuhat ni Edwin si Margarita papasok sa kanilang kuwarto.
Naghubad agad si Margarita at humiga sa kama na nakabukaka.
Sabi ni Margarita sa asawa, “Alam mo kung ano ang gusto ko, di ba?”
Yamot na sumagot si Edwin, “Oo! Gusto mong swapangin ang kama!”
***
DIEGO: Madam, magpapahula po ako!
MADAM VUHALA: Iwasan ang mga taong tumatawa habang nakiki­pag-usap sa CP. Wala ta­laga siyang kausap. Natatawa lang siya sa mukha mo!
***
Sa Tsismis Center…
ALING BINAY: Nagpa-BJ daw si Aling Oya, ‘yung labandera!
MANG RAP: Ha?! Blow job?!
ALING BUWA: Ikaw talaga, Rap! BJ as in Bump Job!
MANG DICKIE: Ha­yaan n’yo na lang. Baka trip niyang maging bumpy.
JAMBOY: Kahit na mas mataas o malaki pa sa kanya ang kanyang bumpers?
ALING LOREN: Mabu pa, pag nag-sona sa lugar nila, punta tayo. Tingnan natin kung nakatayo na o sagging pa rin.
MANG RAP: Tama pala ako! Kung sa­ging eh BJ nga!
***
TAGA-SURVEY: Misis, ilan po ang mga anak ninyo?
MISIS: Labinda­lawa! Lalaki lahat! Jomar ang pangalan nilang lahat para isang tawag lang, lahat eh lalapit na!
TAGA-SURVEY: Paano ho kung isa lang ang kailangan ninyo?
MISIS: Tatawagin ko sa apelyido.
***
Nag-reunion ang dating magkakaklase…
GLENDA: Di ba, ka­yong mga lalaki, crush n’yo ‘ko nu’ng Grade 2 pa tayo?!
MGA LALAKI: Oo! Kasi, hindi pa namin alam noon ang salitang maganda!
***
MAG-BEST FRIEND…
LITTLE BOY: Paglaki ko, gusto kong maging basurero!
LITTLE GIRL: Bakit naman?
LITTLE BOY: Para ako ang pupulot sa ‘yo kapag ibinasura ka ng taong mahal mo.

***
MARLON: Pare, alam mo… nu’ng magpa-deve­lop ako ng picture sa Cubao, isang buwan ang inabot bago na-develop!
RANDY: Wala ‘yan sa pa-develop-an du’n sa ‘min sa kanto. ‘Yung pictures sa kasal ng kaibigan ko, inabot ng isang taon bago na-develop. Eh nu’ng ma-develop nga, may anak na sila!

***
Para makamura, bumili ng gamot na may tatak GENESEX!
Pukensulan, Titimodium, Tamodelux, Kantotpirin, Katihin, Bulbulinux, Jakuline, Titigazine, Gahazain  ***
Huwag mong sayangin ang time na iparamdam sa isang tao na nalilibugan ka sa kanya, lalo na kung alam mong malibog din siya.
Dahil baka dumating ang araw na ready ka na… pero siya, nagsasarili na.

***
Tinanong ko ‘yung isang batang bading na naglalaro.
Sabi ko, “Kung magiging laruan ka, ano ang gusto mong maging?”
Sabi niya, “Gusto kong maging Barbie doll.”
Tinanong ko siya kung bakit.
Sagot niya, “Para hindi ako paglaruan ng mga lalaki.”
***
“I was the happiest person in the world when I saw his face!”
SA TAGALOG:
“Ako ‘yung pinakamaligayang tao sa mundo nu’ng nilagare ko ang mukha niya!”
***
“Guys, siguro, thankful din naman kayo na nandito ako and I appreciate that. Pero sana, huwag kayong magulat kung mawala na lang ako nang hindi inaasahan.
“At sana, i-cherish ninyo ‘yung time na nandito pa ako…” – KURYENTE
***
Kapag ako, kinalimutan mo, tatahimik lang ako.
Hindi na ako magpaparamdam. Hindi na magpapakita.
Pero bago ‘yun, mag-iiwan ako ng maliit na alaala!
30 minutong LIPS TO LIPS, kaya mo?!
***
USAPANG MANHID
GIRL: Kumusta?
BOY: Eto, na-realize ko kung gaano kita kamahal. Kahit may girlfriend ako, ikaw pa rin ang nasa puso ko.
GIRL: Ah, ok… ano ang gawa mo?
BOY: Eto, patuloy kang minamahal… inaalis ko sa aking isip ang girlfriend ko at iginuguhit ka sa puso ko.
GIRL: Ahh… naka-unli ka?
BOY: Oo! Katulad ng walang hanggang pagmamahal ko sa ‘yo!
GIRL: Ok po.
***
Para kang ice cream… sweet nga, malamig naman.

No comments:

Post a Comment